How do I get you alone?

Malungkot na naman ako. Kunsabagay, nitong mga nakaraang panahon (like nung college pa ako. tangina matanda na talaga ako) eh ganito na ako. Akala ko gagana yung “time heals” sa akin pero parang hindi pa rin. Kung sino naman kasi ang nag-imbento ng kasabihan na yan eh hindi inispecify kung gaano katagal ang time na tinutukoy niya. Pero sus, imposible namang makahon ang pagsasabi na “makakamove ka na after X years where X is a positive integer.”
Fuck that shit. Nakakapagod kasing maniwalang “makakamove ka, makakamove ka, makakamove ka” Putang ina, kagaguhan. Pag lalo mong pinapaniwala ang sarili mong nakamove on ka na eh ibig lang sabihin nun hindi ka pa nga nakakamove on. Dahil kung nakamove on ka na, hindi mo na kailangan pang kumbinsihin ang sarili mo na totoo yun. Parang tanga lang di ba.
Kapag nakikita ko na yung mga taong nakasakit (or should I say sinaktan) ako na masaya sila, lalo akong dumadausdos sa putikan. Tang ina, kung sino pa yung nanulak sa yo sa pitfall of hellish pain and anguish eh sila pa yung masaya sa buhay nila ngayon. Again, nasan ang social justice? The shit.
Sabi ko sa sarili ko dati, pag 25 na akoeh mag-aasawa na ako. Eh bente uno na ako wala pa rin akong mapapakilala sa tatay ko na syota ko. Hindi ko alam kung dispalinghado lang talaga ang lablayp ko, kung dapat ba akong magmadre o lilipat na ba ako sa ikatlong kasarian.
Sa mga ganitong pagkakataon kinakainggitan ko ang “kakayahan” ng mga lalaking manligaw. Magpasalamat sila sa lipunang nag-imply na lalaki lang ang maaaring manghalina ng kunsinomang nais niyang mahalin o maka-one night stand. Ang mga babae tagahintay lang. Ako hintay ng hintay. Parang nag-aabang ng jeep sa MRT station. Wushu.
Sa huli, malungkot pa rin ako. Kaya nga minsan masarap kalimutan na lang na malungkot ka eh. Kaso paminsan tinatamaan pa rin ako.
Parang ngayon lang.

